Nakita na ang nawawalang Cessna 206 aircraft (RP-C1174) galing sa probinsya ng Isabela na ika-24 ng Enero pa nawawala. Wala nang buhay sa anim na lpasahero ng six-seater plane.
Matatandaan na umalis sa Cauayan airport ang nabanggit na eroplano ngunit hindi nakarating ito sa sa Maconacon Airport.
“The wreckage of the missing Cessna that w”We delayed this briefing until all the relatives of all the passengers and the pilots have been informed. We have been looking for in the past 44 days, sadly there were no survivors,” ayon kay Constante Foronda, head ng Isabela Incident Management Team, sa isang press conference.
Sa pagtataya ng team, aabutin ng tatlong araw bago maibaba ang lahat ng bangkay kung sa maayos ang panahon.
Nauna dito, sinabi ng kapamilya ng mga pasahero na papunta sana ang mga sakay ng eroplano sa burol ng kanilang kamag-anak ng biglang nawala ang kanilang eroplano.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.