Nakumpiska sa 5 suspek ang halos P13-M shabu sa Cavite at Rizal

0
150

Calamba City, Laguna. Nasamsam ng mga anti-narcotics operatives ng Police Regional Office 4A ang halos PHP13 milyong halaga ng shabu mula sa limang drug suspect sa magkahiwalay na buy-bust sa mga lalawigan ng Rizal at Cavite noong Lunes.

Sa isang pahayag kanina, sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin na si Diadema Bababsa, 56 anyos, isang high-value target; at Betty Babasa 45 anyos, ay inaresto ng mga miyembro ng San Mateo Municipal Police Station kasama ang mga miyembro ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU).

Nakuha sa mga suspek ang mahigit isang kilo ng shabu na tinatayang nasa P6.9 milyon ang street value.

Samantala, naaresto naman ng Cavite police sina Dexter Santos, 25 anyos; Arlene Navarro, 41 anyos; at Ruffa Maie Gervacio, 22 anyos sa Dasmariñas City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 850 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PHP5.78 milyon.

“I enjoin our personnel for this intensive campaign against illegal drugs. Tulong-tulong tayo sa paglaban sa negosyo sa ilegal na droga. They have no place to continue their illegal act. We keep watch and we vow to run after these criminals,” ayon kay Azurin.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. 

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.