Nakumpiskang illegal firecrackers, itatapon ng Laguna PNP

0
566

Sta Cruz, Laguna. Inireport ni Laguna Provincial Director PCOL Rogarth Campo ang mga nakumpiskang illegal firecracker sa isinagawang simultaneous disposal ng confiscated firecrackers kahapon.

Kumpiskado ang mga uri ng paputok na ipinagbabawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula sa iba’t ibang lungsod at bayan sa lalawigan ng Laguna. Kinumiska rin ang mga panindang firecrackers ng mga vendor na walang kaukulang permit na magtinda ng mga ito.

Ang mga illegal firecrackers ay dinala sa  Kampo Heneral Paciano Rizal sa Brgy. Bagumbayan, Sta Cruz, Laguna ng mga hepe ng mga police stations na nagsagawa ng illegal firecrackers crackdown sa mga nasasakupang lugar upang sabay sabay na itapon.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.