Nakumpleto na ang 68M balota para sa 2025 halalan, handa na sa verification

0
51

MAYNILA. Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado, Marso 15, na natapos na ang pag-imprenta ng 68,542,564 balota para sa darating na 2025 national at local elections.

Ayon sa Comelec, isasailalim pa ang mga ito sa verification process bago tuluyang mamarkahan, siselyuhan, at ihanda para sa distribusyon.

Samantala, sinimulan na rin ng ahensya ang pagdispatsa ng anim na milyong rejected ballots mula sa kanilang warehouse sa Santa Rosa, Laguna. Ang mga ito ay dinala sa isang paper mill sa Pampanga para sa tamang disposal.

Bukod dito, inanunsyo rin ni Comelec Chairperson George Garcia na mahigit kalahati na ng 68 milyong voter information sheets (VIS) ang naimprenta.

“Hindi lang balota ang ating inihahanda. Hanggang nitong Marso 14, nasa 55% o 37 milyong VIS na ang natapos nang maimprenta sa National Printing Office (NPO) satellite facility sa Meycauayan, Bulacan,” ani Garcia.

Dagdag pa niya, 21% na sa kabuuang bilang ng naimprentang VIS ang dumaan na sa verification.

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Comelec upang matiyak ang maayos at maaasahang eleksyon sa 2025.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.