Nangako si Domagoso na ipagpapatuloy ang giyera ni Duterte laban sa droga

0
468

Sinabi ni Aksyon Demokratiko presidential bet Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kanina na kung manalo siya sa darating na halalan sa Mayo 9 ay ipagpapatuloy niya ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na nangangakong hahabulin ang mga pinagmumulan ng ipinagbabawal na substance.

“Tuloy tuloy lang yung war on drugs. Tayo (The war on drugs will continue. We) will go directly after the source,” ayon kay Domagoso sa isang campaign sortie sa Bataan province

Sa kanyang Talk to the People noong Lunes, sinabi ni Duterte na nababahala siya sa muling pag-usbong ng ilegal na droga pag wala siya sa puwesto at umaasang ang kahalili niya ay magpapatuloy sa kanyang kampanya laban sa banta ng droga.

Sa nabanggit ding campaign trail sa Pilar, Bataan, sinabi ni Domagoso na ang bansa ay maaaring makakuha ng inspirasyon mula sa The Netherlands na kumukuha ng energy mula sa renewable sources.

“They are resorting to renewable energy through open space via potable type pero ang ginawa nila agri-potable type source of energy. So, nakaimbento na sila ng way na patuloy pa rin silang magtatanim ng mga pagkain at kung saan tinatanim yung pagkain meron din source na pwede pagkunan ng renewable energy,” ayon sa kanya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.