Nangako si Marcos na bubuhayin ang ‘Bicol Express’

0
382

Inamin ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangang pagbutihin ang sistema ng transportasyon sa Bicol Region at isa ito sa mga priority project niya kapag nanalo siya sa darating na May 9 elections.

“Madalas nating marinig noon ang salitang ‘Bicol Express’ patungkol sa mga tren na bumibyahe sa rehiyon. Sa paglipas ng panahon ay naging palasak na lang ang katagang ito na tumutukoy sa pangunahing sistema ng transportasyon na ngayon ay bilang isang masarap na pagkain ng mga Bicolano (We used to hear the word ‘Bicol Express’ in reference to trains traveling in the region. Over time this term has become commonplace referring to the main transportation system that is now as a delicacy of the Bicolanos,” ayon kay Marcos sa isang news release kahapon.

Tiniyak ni Marcos na ibabalik niya ang “Bicol Express” na mas organisado at epektibo kung siya ang mananalo sa presidential race.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.