Nangako si Marcos ng 5 taong termino para sa mga opisyal ng barangay sakaling manalo

0
512

Nangako si Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. na magsusulong ng limang taong termino para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sakaling manalo siya sa halalan sa Mayo 2022.

Sa kanyang mensahe sa harap ng mga barangay leaders at health workers ng Parañaque City, sinabi ni Marcos na hindi siya pabor sa pagpapaliban ng barangay elections.

“Huwag na tayong extend nang extend, postpone nang postpone, palitan na natin ‘yong batas para ang termino ng barangay official ay limang taon na at three-term limit (Let’s stop postponing and extending, let’s just amend the law so that the term of barangay officials would become five years with a three-term limit),” ayon sa kanya sa kanyang talumpati.

Sinabi ni Marcos Jr. na magbibigay-daan ito sa mga opisyal na magpatuloy at maipatupad nang mas mahusay ang kanilang mga kasalukuyang programa.

Ang barangay ang pinakamaliit na political unit sa bansa kung saan ang mga opisyal ay inihalal sa tatlong taong termino.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.