Nangako si PBBM ng libreng internet sa lahat ng remote areas

0
147

Nangako noong Sabado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya upang matiyak na magkakaroon ng libreng internet services sa lahat ng malalayong lugar.

iponahayag ni Marcos ang pangako sa kanyang sorpresang pagharap sa “Online Kamustahan” na binuo ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ayon sa pahayag ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary (OPS).

Noong Bisperas ng Pasko, pinangunahan ni Marcos ang virtual rollout ng “BroadBand ng Masa Program” (BBMP) sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng internet sa mga estudyante at guro mula sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) sa buong bansa.

Sa online gathering, sinabi ni Marcos na ipapatupad ang BBMP sa lahat ng malalayong isla, lalo na sa mga walang access sa mobile cellular services.

“’Yung mga malalayo, ‘yan ang mas kailangan. Lalo na ‘yung mga bata, para sa kanilang eskwela. Buti na lang, maraming bagong teknolohiya na pwedeng gamitin, na (Those from remote areas need this [free internet services], especially the children for their education. It’s good to know that there is advanced technology that) we’re taking full advantage of,” ayo kay Marcos na sinipi ng OPS.

Sinabi ni Marcos na mapapabuti ng paggamit ng mga digital technologies ang interconnectivity at mga serbisyo ng gobyerno.

“Para naman kahit saan sa Pilipinas, makakaramdam tayo ng connectivity. At napaka-importante na ngayon niyan,” ayon sa kanya.

Sinamantala rin ni Marcos ang pagkakataong makausap ang mga estudyante at guro na lumahok sa online event, kabilang ang mga mula sa malayong Pag-asa Island sa West Philippine Sea, ayon kay Garafil.

Sinabi ni Garafil na “natuwa” ang mga kalahok nang sumali si Marcos sa “Online Kamustahan”.

Ang iba pang nakiisa sa virtual event ay mga mag-aaral at mga kinatawan ng paaralan mula sa Armenia Elementary School sa Uson, Masbate; Bandera Elementary School sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte; Amai Pakpak Central Elementary School sa Marawi City, Lanao del Sur; Dioryong Integrated School sa Nagtipunan, Quirino province; Villa Espina Elementary School sa Lopez, Quezon; at Landang Laum Elementary School sa Zamboanga City.

Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na nakakatulong ang programa sa pagbuo ng “direct connection” sa pagitan ng mga GIDA at ng gobyerno.

Isa sa mga nagawa ng gobyerno sa pagpapabuti ng connectivity ay ang pagpapatupad ng Free Wi-Fi for All Program, ayon sa ulat ng DICT.

Sa ilalim ng programa, karagdagang 628 operational na libreng Wi-Fi site ang naitatag, bukod pa sa umiiral na 4,129 na site.

Mayroon na ngayong 4,757 kabuuang Wi-Fi site sa buong bansa.

Hindi bababa sa 2.1 milyong unique user, katumbas ng 100,000 pamilya, ang may access sa mga libreng serbisyo sa internet ng gobyerno. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo