Nangangako ang COVAX na palitan ang mga expired na bakuna

0
398

Nag-alok ang COVAX Facility na papalitan ng mga bago ang mag-e-expire na mga vial ng bakuna sa coronavirus disease 2019, na donasyon at binili ng gobyerno, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na isinasagawa ang negosasyon upang mapalitan ang mga nag-expire na bakuna ng COVAX-donated shots.

“May commitment na rin naman po sa COVAX verbally, kung saan nag-commit naman sila na maaari naman nilang palitan, kahit na hindi iyong mga donation nila, iyong mga prinocure natin, na set to expire ay maaari din daw nilang palitan,” ayon sa kanya.

Sinabi ni Vergeire na sinunod ng DOH ang mga kahilingan ng COVAX, kabilang ang paggamit ng “demand forecasting tool” upang ipakita ang aktwal na bilang ng mga bakuna sa mga stockpile at ang mga dosis na kakailanganin ng Maynila sa mga susunod na buwan.

Nauna dito, sinabi ng DOH na humigit-kumulang 3.6 milyong coronavirus vaccine doses na naibigay sa Pilipinas ang nag-expire na.

Ang COVAX ay isang pandaigdigang inisyatiba na naglalayong magkaroon ng patas na pag-access sa mga bakunang Covid-19.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.