Nanggulo sa lamay, lalaking lasing binaril ng pulis

0
146

ATIMONAN, Quezon. Nabaril ang isang lalaking lasing matapos makipag engkwentro sa mga pulis sa isang lamayan sa Brgy. Angeles dito sa bayan, kamakalawa ng umaga sa bayang ito.

Naka-admit ngayon sa Dona Martha District Hospital ang suspek na si Daniel Dela Cruz, 37 anyos na may live-in partner sa Lucena City, matapos tamaan ng baril sa hita dahil  sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

Ayon sa ulat ng  Atimonan Municipal Police Station, naging ugat ang insidente ang isang sumbong na isang lasing ang nanggugulo sa isang lamayan sa Guinto Boulevard, Brgy. Zone 1 Poblacion.

Dumating ng mga awtoridad sa lugar at inabutan ang suspek na nambabato ng mga tao sa paligid, at nang subukan nilang hulihin ay nanlaban pa ito kung saan ay nasaktan pa si PCpl. Roel Montalbo.

Tumakbo ang suspek at nagtago sa likod ng isang puno at bumunot ito ng kalibre 38 na baril at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan si Dela Cruz na agad dinala sa ospital. 

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.