Nangunguna si Leni sa survey sa poll ng mga Catholic schools

0
284

Nanguna si Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo sa resulta ng survey kamakailan ng Catholic educational institutions.

Sa isang pahayag kanina, sinabi ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na nakakuha si Robredo ng 1,624 o 52.57 percent mula sa kabuuang 3,089 na tugon mula sa mga estudyante, school heads at administrators, non-teaching personnel, alumni, at iba pang kawani na may kaukulang mga pangkat ng edad na 18-25, 26-35, 36-45, 46-55, at 56 at mas matanda.

Ang CEAP poll survey ay isinagawa mula Enero 24 hanggang Pebrero 4.

Sa nabanggit na survey, nasa ikalawang pwesto si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 24.54 percent o 758 votes, sinundan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may 9.61 percent o 297 votes, Senator Panfilo “Ping” Lacson na may 3.53 percent o 109, Senator Manny Pacquiao na may 0.87 percent o 27, labor leader Leody De Guzman na may 0.26 percent o walong boto habang ang abstention ay nasa 8.61 percent o 266.

Dagdag pa ng CEAP, isinagawa ang survey noong kasagsagan ng mga isyu sa Commission on Elections hinggil sa mga petisyon para sa disqualification at pagkansela ng certificate of candidacy (COC) laban kay Marcos.

Sa unang CEAP survey na isinagawa bago ang deadline ng paghahain ng COC noong Oktubre, nakatanggap si Robredo ng 45.16 percent ng mga boto habang si Marcos ay nakakuha ng 20.86 percent ng mga boto.

Idinagdag nito na ang survey ay nagbibigay ng mga datos na kailangan ng asosasyon sa mga programa at aktibidad na nauugnay sa halalan, tulad ng #VoteLove at CEAP Statement of Discernment.

Ang CEAP ay binubuo ng mahigit na 1,525 member-schools at mahigit na 120 superintendente sa mga Catholic schools.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.