Nartatez: Simulan ang deep probe vs mga tiwaling pulis hinggil sa sindikato ng pagnanakaw

0
534

Inutusan ni Police Regional Office CALABARZON Director, PBGEN Jose Melencio C. Nartatez, Jr ang mga police detectives na imbestigahan ng mas malalim ang pagkakasangkot ng mga aktibo at na-dismiss na miyembro ng PNP sa isang sindikatong responsable sa insidente ng pagnanakaw sa General Trias City, Cavite.

Hinahalukay ng PNP CALABARZON Headquarters ang lalim ng pagkakasangkot ng grupo kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong suspek  na 2 dismissed police officers at 1 active na nagbukas sa 8 pang kasamahan nilang sangkot sa isang nakawan noong Oktubre 18, 2022 sa Bella Vista, Brgy. Santiago, General Trias City, Cavite.

Naaresto ang mga pulis sa isang manhunt hot pursuit operations sa Quezon City at Cavite laban kina Franklin Requmin Menor, John Carlo Tabuna Manchon at Police Lieutenant Reynald Alcantara Afable. Samantala, ang 8 natukoy na cohorts ay hindi natagpuan sa kahit saan sa kanilang mga kilalang address na sina: Alvin Anchaco Orenda alyas “Alvin” ng Brgy. Langkaan, Dasmariñas City, Cavite, incumbent Municipal Councilor of Sulat, Eastern Samar; Sunny John Atanacio Postrizo alyas “Jong-Jong” residente ng 8 Isadora St., Don Antonio Heights, Quezon City; Albert Bautista ng Laguna, Dating Security Guard sa Ayala Alabang; Police Corporal Armaejael Perea alyas “Jay”, residente ng Dasmariñas City, Cavite, nakatalaga bilang Jailer sa Imus City Police Station. Nag-AWOL ang nasabing pulis matapos ang insidente ng pagnanakaw; Francis Basas alyas “Ritchie” o “Kiko” at “Guilian” ng Silang, Cavite;

6. Berly Apolonio ng 1879 Mar St. Varon, Tondo, Maynila, isang dismissed PNP Officer, na sinasabing kaklase ni John Carl T Machon; PSSG Marlon Campos y Berdejo Aka “Bomber” na nakatalaga sa Silang MPS residente ng Dasmarinas City (Active Duty) went on AWOL Oct 20, 2022; at William Dagotdot aka “Porky” na residente ng Carmona-Timbao Rd Biñan City Laguna.

Narekober sa kanila ang 9mm caliber pistol at Cal. 45 pistol na ginamit ng mga suspek sa pagnanakaw; samu’t saring alahas na nagkakahalaga ng P590,000.00 at ang vault na pwersahang binuksan na natagpuan sa tirahan ng suspek na si Alvin Orenda; at puting Nissan Van na may plate number na NFW-4792 na ginamit sa insidente ng pagnanakaw.

Sa inquest proceedings, isinampa ang mga kasong Robbery laban kina Franklin Menor, John Carl Machon at Reynald Afable sa City Prosecutor’s Office ng General Trias City Cavite. Ang 8 iba pang at-large cohorts ay kasama rin sa instant case bilang mga respondent.

Nauna dito,matapos maaresto si Police Lieutenant Reynald Alcantara Afable, 41, may asawa at nakatalaga sa Silang Municipal Police Station bilang Intelligence and Investigation Officer, ay nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak ng gunting sa kanyang leeg sa panahon ng custodial investigation. Naisugod siya sa pinakamalapit na ospital at ngayon ay nasa stable na kondisyon.

“Sa yugtong ito, malaki ang posibilidad na may iba pang pulis na sangkot sa masamang operasyon ng grupong ito kasama na ang iba pang high profile na krimen na ginawa sa CALABARZON at mga kalapit na rehiyon. Itutuloy natin ang pangunguna sa pakikipagtulungan ng iba pang law enforcement units at personal kong titiyakin na ang mga scalawags at misfits na ito ay aalisin sa serbisyo ng pulisya,” ayon kay Nartatez.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.