Nasa kamay na ng DSWD ang P5B budget para sa Targeted Cash Transfer Program

0
486

Mamadaliin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) program matapos ipahayag ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng mahigit Php 5. bilyong pondo para sa ikatlong batch ng programa.

Sa isang pahayag, binanggit ng DBM na ang pag-apruba sa Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng Php 5.2 bilyon ay naglalayong tulungan ang humigit-kumulang 9.8 milyong natukoy na benepisyaryo ng TCT program.

Sinabi ng DSWD na ang pinakahuling paglabas ng pondo ay kapaki-pakinabang at malaki ang maitutulong sa mga benepisyaryo ng TCT sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa mataas na inflation. Ang TCT Program ay nagbibigay ng mga cash transfer sa mga pinaka apektadong sambahayan sa halagang P500 bawat buwan sa loob ng 6 na buwan.

Ang unang dalawang batch ng programa ay inilunsad noong Hunyo at Hulyo.

Samantala, ang DSWD ay nagpapahayag ng kanilang pasasalamat sa TCT Inter-Agency Committee, kabilang ang DBM, Department of Finance, at National Economic Development Authority sa pagbibigay ng prayoridad sa alokasyon ng badyet para sa patuloy na pagpapatupad ng TCT program.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.