Nasa kritikal na kondisyon ospital si Shinzo Abe matapos mabaril

0
225

Tokyo. Nasa kritikal na kondisyon si Shinzo Abe, ang dating prime minister ng Japan, matapos barilin kahapon ng umaga habang nagbibigay ng talumpati sa kanlurang Japan, ayon kay Prime Minister Fumio Kishida.

Si Abe, 67, ay bumagsak at duguan sa lupa sa lungsod ng Nara malapit sa Kyoto. Sinabi ng Japanese Fire and Disaster Management Agency na si Mr. Abe ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kanang leeg at kaliwang dibdib.

Ayon sa pulisya, inaresto nila ang isang suspek na si Tetsuya Yamagami, sa kasong attempted murder. Gumamit ang suspek ng “gunlike equipment,  na nakuha sa pinangyarihan ng insidente, ayon sa isang tagapagsalita ng pulisya.

Ang mga larawan na ibinahagi sa social media ay nagpakita ng isang lalaki na dinakip matapos ang pamamaril malapit sa Yamatosaidaiji Station. Ang lalaki ay residente ng Nara, ayon sa NHK, ang pampublikong broadcaster ng Japan. Wala pang detalye hinggil sa motibo sa pamamaril.

Si Mr. Kishida, na nasa gitna ng kampanya sa Yamagata Prefecture at bumalik sa Tokyo pagkatapos ng pamamaril. Sinabi niya sa isang news briefing na ang pag-atake ay isang heinous act. It is barbaric and malicious, and it cannot be tolerated.”

Ayon kay Seigo Yasuhara, isang opisyal sa command center sa Nara Fire Department, pagkatapos ng pamamaril si G. Abe ay nakaranas ng cardiopulmonary arrest at na siya ay isinakay ng isang ambulansya — walang malay at walang vital signs — patungo sa isang medical evacuation helicopter . Pagkatapos ay dinala siya sa Nara Medical University Hospital, ayo sa Nara Fire Department.

Ang dating prime minister ay nasa Nara at nangangampanya bago ang halalan para sa Upper House of Parliament na naka-iskedyul sa Linggo. Si Abe ay nagbibigay ng talumpati sa kampanya sa ngalan ni Kei Sato, 43, kasalukuyang miyembro ng Upper House na tumatakbo para sa muling halalan sa Nara. Wala pang isang minuto siyang nagsasalita nang marinig ang dalawang malalakas na pagsabog sa kanyang likuran bandang 11:30 a.m.

Si Yoshio Ogita, 74, secretary general ng Liberal Democratic chapter ng Nara Prefecture, ay nakatayo sa tabi ni Abe. Nakarinig daw siya ng dalawang malakas na tunog at nakita niya ang isang puting usok na umaakyat sa langit.

Si Tetsuya Yamagami, na suspek na bumaril kay Abe, ay nakipagbuno sa mga security personnel sa Nara noong Biyernes. | KYODO
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.