Nasabat sa Subic ang mahigit P3.7M high-grade marijuana mula sa Canada

0
148

Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit dalawang kilo ng kush (high-grade marijuana) na nagkakahalaga ng humigit-kumulang PHP3.7 milyon mula sa isang lalaking claimant kasunod ng controlled delivery operation na isinagawa sa Crown Peak Gardens, Subic Bay Freeport Zone Lunes ng hapon.

Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa ulat nito, ang pakete na naglalaman ng mga iligal na droga ay nagmula sa Canada at dumating sa Port of Clark noong Linggo.

Kinilala ang naarestong claimant na si Federico Cesar Flores-Luna alyas Nestor Bustamante, 32, residente ng Opal Building, Crown Peak Gardens, Subic Bay Freeport Zone.

Nakatanggap ang PDEA ng impormasyon mula sa mga foreign counterparts nito na ang shipment ng kush ay dumarating sa Freeport.

“The anticipated package containing kush was declared as ‘window curtain’ and underwent X-ray and K-9 inspections which indicated the presence of dangerous drugs,” ayon sa statement ng PDEA.

Sinabi rin  ng anti drug agency na nagsagawa ng physical examination kung saan nadiskubre ang limang pouch na naglalaman ng halaga ng 2,336 gramo ng tuyong dahon ng kush at mga fruiting top na may tinatayang street price na  na PHP3,737,600.

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba mula sa PDEA-Zambales, Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs (BOC) Port of Clark at Port of Subic.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang naarestong claimant.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.