Nasunog ang 68 bahay sa Cabuyao City sa Laguna

0
528

Sumiklab na naman ang sunog sa Cabuyao City, Laguna noong Biyernes, Pebrero 9, ayon sa ulat kahapon, Pebrero 10.

Batay sa report ng Police Regional Office Region 4A, nagsimula ang sunog bandang 3:10 ng hapon sa Barangay Bigaa kung saan nasunog ang limang tirahan na gawa sa light materials.

Nakalabas lahat ang mga residente at walang naitalang may nasawi o seryosong nasugatan sa insidente. Gayunpaman, nawalan ng tirahan ang humigit-kumulang na 68 katao.

Sa kasalukuyan, pansamantalang nakasilong ang mga biktima sa basketball court ng barangay habang naghihintay ng tulong at suporta mula sa lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya.

Ipinapaalala rin sa publiko ang pangyayaring naganap noong Pebrero 1 sa nasunog na pagawaan ng paputok sa lungsod ding ito at ikinamatay ng limang indibidwal.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.