Natatanging Nanay contest ng GPTA sa nagcarlan matagumpay na naisagawa

0
270

Nagcarlan, Laguna. Idinaos ang Search for Natatanging Nanay na pinangunahan ng General Parents Teachers Association (GPTA) ng Calumpang National High School sa bayang ito.

Ang nabanggit na proyekto ay naglalayong makalikom ng pondo upang makapagpagawa ng emergency exit ng nabanggit na eskwelahan papunta sa Forest Park.

Naging kampeyon sa labanan ng Natatanging Nanay si Maria Erlinda Malicsi, 1st runner-up si  Arlene Ramirez, 2nd runner-up si Joselyn Pacion, at 3rd runner-up si Maricel Puma. 

Gumanap na hurado sa patimpalak sina Jerica Doria, Councilor Errol Dorado at Lanie Salvahan.

“Malaking tulong ang maibabahagi ng programang ito ng GPTA partikular ang pagpapagawa ng emergency exit papunta sa forest park. Hindi naman magisisiksikan ang mga estudyante sa pagpasok at paglabasl ng paaralan,” ayon kay Marina de Robles, principal 2 ng Calumpang High School.

Nakalikom ng halagang Php156,300 ang nabanggit na GPTA na sinuportahan ng pangulo nito na si Oliver Evangelista.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.