National Hospital Week 2022, ipinagdiwang ng Laguna

0
255

Sta. Cruz, Laguna. Nagpahayag ng pakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Gov. Ramil L. Hernandez sa pagdiriwang ng Linggo ng Pambansang Ospital 2022 na may temang: “Ospital: Pagbangon Mula sa Pandemya, Kayang-kaya Basta’t Sama-sama,” sa Laguna Medical Center (LMC), mula Agosto 8 hanggang Agosto 12, 2022.

Sinimulan ang kaganapan sa isang parada sa paligid ng LMC, na sinundan ng kick-off ceremony para sa mga sports event tulad ng basketball at volleyball; at isang Baratilyo Booth sa Ambulance Bay ng LMC ang binuksan ni LMC Chief Dr. Judy Rondilla. Magsasagawa rin ng mobile blood donation drive sa mga susunod na araw.

Hinihikayat ng Department of Health  (DOH) ang lahat ng pasilidad, ahensya, at organisasyong pangkalusugan pampubliko man o pribadong sektor, na makibahagi sa selebrasyon at palakasin pa ang pagtutulungan at suportahan ang daan ng bansa sa pagbangon mula sa kasalukuyang krisis sa kalusugan na dulot ng COVID-19.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.