Native swine, ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ng SAAD sa Mindoro

0
240

Ipinagkaloob ng Department of Agriculture-Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program ang 24 na native na baboy sa mga magsasaka na miyembro ng Samahang Magsasaka para sa Kaunlaran ng Sitio Looban sa Calintaan, Occidental Mindoro.

Layunin nitong mabigyan ng karagdagang hanap-buhay ang mga benepisyaryo ng samahan na may mga karanasan sa pag-aalaga ng baboy.

Ayon sa Pangulo ng samahan na si Cyrus James Alejandro, mas matipid ang pag-aalaga ng native na baboy para sa kanila dahil sagana ang lugar sa mga gulay at kumpay gaya ng kangkong, saging, at iba pang halaman at damo na pwedeng ipakain sa native na baboy.

Nananatili pa ring ligtas ang Occidental Mindoro sa banta ng African Swine Fever (ASF) ayon sa Bureau of Animal Industry. Ang mga ipamamahaging baboy ay nagmula rin sa nabanggit na probinsya. Ngunit bilang karagdagang pag-iingat, ika-quarantine muna ang mga baboy sa communal pen sa Brgy. Tanyag sa loob ng pitong araw bago ibigay sa samahan.

Katuwang ang Municipal Agriculture Office-Calintaan sa paghatid ng mga native na baboy sa lugar. Makakatanggap din ang samahan ng mga bitamina mula sa SAAD para sa kanilang mga alaga upang matiyak ang kalidad at kalusugan ng mga ito. (DA-SAAD)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.