Natukoy sa PH ang 81 Omicron XBB subvariant, 193 XBC variant cases

0
209

Natukoy ng Pilipinas ang 81 kaso ng bagong COVID-19 Omicron XBB subvariant at 193 kaso ng XBC variant, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) kanina.

Sa press briefing, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na 81 kaso ng XBB ang nakita sa dalawang rehiyon sa bansa.

Pitumpu sa mga kasong ito ang nakarekober na, walo ang sumasailalim pa rin sa isolation, habang inaalam pa ang status ng tatlo pang iba.

Walang namatay sa kanila, ayon kay Vergeire.

Ayon sa mga paunang pag-aaral, naunang sinabi ng DOH na ang XBB sublineage ay “nagpapakita ng mas mataas na immune evasion ability kaysa sa BA.5.” Nasa ilalim din ito ng mga subvariant ng Omicron sa ilalim ng pagsubaybay ng World Health Organization (WHO), kasama ang BA.5, BA.2.75, BJ.1, BA.4.6, at BA.2.3.20.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.