NBI, nagsasagawa ng parallel probe sa kaso ng pinatay na deputy prosecutor sa Cavite

0
208

CAMP VICENTE LIM, Laguna.  Nagpadala ng mga imbestigador ang National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng parallel probe sa pagpatay kay deputy prosecutor Edilbert Mendoza sa Cavite noong Biyernes ng umaga.

Ang mga imbestigador ay dumating isang araw matapos ang insidente ng pagkakabaril sa piskal sa Barangay Cabuco, Trece Martires, ayon kay NBI-Cavite chief Arnie Lazaro.

Makikipagtulungan ang mga tauhan ng NBI sa binuong Task Force ng PNP sa pamumuno ni Cavite provincial director Col. Arnold Abad.

Sinabi naman ni PNP Chief Dionardo Carlos, may persons of interest na silang pinanghahawakan subalit may mga pinag aaralan pang mga anggulo kagaya ng isyu ng land dispute at mga sensitibong kaso na hawak ng tanggapan ng biktima.

 Nagpahatid naman ng pakikiramay sa pamilya ang Integrated Bar of the Philippines at sinabing handa silang magbigay ng legal assistance na kakailanganin para sa madaling paglutas sa kaso.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.