NDRRMC: 3.4K pamilya, nawalan ng tirahan dahil sa lindol sa Luzon

0
441

Humigit kumulang na 3,456 na pamilya sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol noong Miyerkules na yumanig sa Abra at mga kalapit na lalawigan, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kanina.

Sa kanilang 8:30 a.m. update, sinabi ng ahensya na ang mga apektadong pamilyang ito na katumbas ng 12,945 katao, ay naninirahan sa 139 barangay (villages) ng CAR.

May 541 pamilya ang nakikisilong at tinutulungan sa 21 evacuation centers at ang natitira ay nakikitira sa mga pamilya at kaibigan.

Sa ngayon, iniulat ng NDRRMC ang pagkamatay ng limang indibidwal, kasama ang 114 na nasugatan.

Ang mga namatay ay isa mula sa Bangued, Abra; tig-isa mula sa mga bayan ng La Trinidad at Tuba, kapwa sa lalawigan ng Benguet; at isa mula sa Balbalan, Kalinga at isa mula sa Ilocos Sur.

“We’re adjusting to five (fatalities) again since we received a new report on an Ilocos Sur fatality. This is subject for verification,” ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Cashean Timbal sa isang update.

Ang mga nasirang bahay ay tinatayang humigit-kumulang na 868 sa CAR. Ang 857 dito ay inuri bilang “partially damaged” at 11 ay “totally damaged”.

Ang pinsala sa imprastraktura ay tinatayang nasa PHP33.8 milyon at ang mga ito ay natamo sa Ilocos Region, Central Luzon, at National Capital Region.

Wala pang mga data hinggil sa pinsala ng lindol sa agrikultura.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.