Negosyante inambus, DOTS

0
249

Rodriguez Rizal. Dead on the spot ang isang kilalang negosyante matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek bandang 9:00 ng umaga noong Sabado sa Brgy. Macabud, sa bayang ito.

Kinilala ng imbestigador ng Rodriguez Municipal Police Station ang biktima na si Raffy Tonion, 52 anyos, may- ari ng nag iisang minimart sa nabanggi na bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sakay si Tonion ng kanyang motorsiklo at patungo na sa kaniyang tindahan ng tambangan ng gunman sa Calumpit road ng nasabing barangay.

Ayon sa mga nakasaksi sa krimen, ilang oras bago maganap ang pamamaril, nakita umano ng mga residente sa lugar ang isang lalaki na sakay din  ng motorsiklo at tila may hinihintay.

Bandang alas nuebe ng umaga noong Sabado, nakita pa ng ilang mamimili si Tonion na nakasakay sa kaniyang motorsiklo patungo sa lugar na kinaroroonan ng suspek.

Makaraan ang ilan saglit, nakarinig na ng sunod sunod na putok ng baril ang mga residente at kasunod nito ay nakitang duguan ang biktima na may mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

May teorya ang mga imbestigador na pinag aralan ng suspek ang mga ruta ng dinadaanan ni Tonion kaya madali niya itong naambus at napatay.

Nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspect at sa motibo ng pagpatay sa negosyante.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.