Negosyante, itinumba sa palengke sa Batangas

0
259

San Jose, Batangas. Dead on the spot ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng nag iisang gunman kahapon ng madaling araw sa Poblacion Public Market sa bayang ito.

Kinilala ni Police Lt. Noemi Deocales, deputy chief of police ng San Jose Municipal Police Station ang biktima na si Richard Matulac, 55 anyos at kilalang private stall owner sa nasabing palengke.

Ayon sa paunang imbestigasyon, bandang alas singko noong Martes ng umaga ng dumating si Matulac sa palengke upang buksan ang kanyang mga stalls ng lapitan siya ng gunman at barilin sa ulo ng malapitan sa may likuran.

Naka jacket ang salarin at nakasuot ng asul na sumbrero, ayon sa ulat.

Ayon sa mga nakasaksi sa krimen, narinig na lamang ng  asawa ng biktima at mga helper nila ang mga putok. Itinakbo sa ospital si Matulac ngunit hindi na umabot ng buhay.

Sinabi ni Deocales na sa istilo ng ginawang pamamaril, lumilitaw na pinag aralan ng gunman ang kilos at oras ng pagpunta ng biktima sa palengke.

Samantala, iniimbestigahan pa ng pulisya ang mga may closed circuit TV ng tindahan na maaaring makatulong sa pagkilala sa nag iisang gunman.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.