Negosyante nakuryente sa palaisdaan, patay

0
305

Lucena City, Quezon. Patay ang Isang negos­yante matapos makuryente sa isang fishpond sa Brgy. Dalahican. lungsod na ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng hepe ng  Lucena City Police Station (CPS) ang namatay na biktima na si Robert Ortega, residente sa nasabing lungsod. 

Ayon sa pahayag ni PCpl. Eduardo Nartea, imbestigador ng Lucena CPS, nagkaroon ng brownout sa lugar ng fishpond ng biktima. Diumano ay nagtungo si Ortega sa lugar upang magkumpuni ng mga lagot na linya ng kuryente.

Maaaring nawala sa loob ng biktima na bumalik na ang service ng kuryente kaya lumusong ito sa tubig kung saan ay bigla siyang natumba at nangisay.

Ayon naman ng mga kaanak ng biktima na nag- alala sila sa hindi pag- uwi ng maaga ni Ortega kaya pinuntahan nila ito sa palaisdaan at dinatnan nilang nakalutang na sa tubig ang bangkay ng biktima. 

Walang nakikitang foul play ang pulisya sa insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.