Negosyante, natagpuang patay sa pickup truck sa gitna ng kalye

0
116

IMUS City, Cavite. Natagpuang patay ang isang negosyante sa loob ng kanyang sinasakyang pickup truck na iniwan sa gitna ng kalsada ng Brgy. Bucandala 4, lungsod na ito sa Cavite, kahapon ng madaling araw.

Kinilala lamang ng pulisya ang biktima bilang si alyas Rey, ngunit habang isinusulat ang ulat, patuloy pang inaalam ang kanyang tirahan.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:35 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang Police Community Precinct 7 mula sa ilang residente tungkol sa isang sasakyang nakahambalang sa kahabaan ng Advincula Road.

Sa pagsisiyasat, natuklasan ng mga pulis ang isang Ford Raptor na may plakang NGA-1035, at sa pagbukas ng sasakyan, nakita ang biktima na may tama ng bala sa dibdib, at nakaupo sa driver seat.

Patuloy ang pulisya sa pagsasagawa ng follow-up na imbestigasyon sa insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.