Negosyante pinagbabaril sa loob ng pickup truck

0
171

LUCENA CITY, Quezon. Patay ang isang negosyante matapos barilin ng hindi kilalang salarin habang nakaupo sa loob ng kanyang pickup truck na nakaparada sa kalye sa Ferenzy Subdivision, Brgy. Isabang, dito, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Col. Ledon Monte, direktor ng pulisya sa Quezon, ang biktima na si Isaac Baquirel Cristota, 56 anyos na residente ng Ferenzy Subdivision, Brgy. Isabang, Lucena City, Quezon.

Ayon kay Monte, bandang 5:30 ng umaga, paalis na sana si Cristota at nakaupo sa driver’s seat ng kanyang Ford Raptor nang biglang lumitaw ang hindi kilalang gunman at walang ano anong pinagbabaril ang biktima ng malapitan.

Pagkatapos ng mamaril naglakad lang palayo ang salarin habang dali-daling dinala ang biktima sa Unihealth Hospital sa Tayabas City, Quezon ngunit idineklara itong dead-on-arrival dahil sa mga tama ng hindi pa alam na bala ng baril sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon pa kay Monte, may inisyal na teyorya ang pulisya na ang motibo sa pagpatay sa biktima ay may kinalaman sa negosyong “oil products.”

“One or two suspects could be behind the plot. The victim was a businessman engaged in oil products. We are investigating and checking information about their family business,” dagdag pa ni Monte.

Inatasan na rin ni PLt. Col. Ruben Ballera Jr., hepe ng pulisya sa Lucena City Police Station, na subukang matukoy at mahuli ang suspek sa pamamagitan ng pag-review sa posibleng CCTV footage na nasa mga paligid ng subdibisyon upang makuha ang anumang impormasyon tungkol sa mga suspek sa pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.