Negosyanteng Hapon nagbigti sa Cavite

0
245

Bacoor City, Cavite. Natagpuang nakabitin ang bangkay ng isang Japanese national na nagbigit sa loob ng kanyang kwarto sa 3rd floor, 1K Bldg, Villa Maria Subdivision, lungsod na ito kahapon.

Kinilala ni PCol. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City Police Station (CPS) ang dayuhan na si  Iramoto Yamasaki, 79 anyos na negosyanteng Japanese national at nakatira sa nabanggit  na lugar.

Si Yamasaki sa pamamagitan ng kanyang asawa ay napag alamang nagmamay-ari ng mga apartment sa ilang bayan sa Cavite.

Ayon sa pahayag ng asawa ng nagbigti na si Mary Jane Gracioso, napansin niya na laging walang kibo ang kanyang asawa na tila depressed.

Natagpuan sa pinangyarihan ng suicide ang isang electric wire na ginamit sa pagpapakamatay. 

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Bacoor CPS upang tiyakin na walang foul play sa naganap na insidente

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.