Negosyanteng sangkot sa illegal drugs sa Batangas, patay sa baril

0
266

Rosario, Batangas. Binaril sa ulo ang isang negosyante hinihinalang sangkot sa illegal drug trade, bandang 1:00 ng hapon sa bayang ito kahapon.

Kinilala ni Rosario Police Station Chief PMAJ Major Carlo Caceres ang biktima na si Rodel Alegria, residente ng Brgy. Puting Kahoy sa nabanggit na bayan.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nasa loob ng kanyang tindahan si Alegria ng barilin sa ulo ng dalawang suspek na nagkunwaring mga kostumer.

Batay naman sa paunang imbestigasyon, si Alegria ay kasama sa tokhang list ng barangay. Diumano ay patuloy na nagsasagawa ito ng gawaing may kinalaman sa illegal drug trade.

Tinitingnan ng mga pulis ang ng double cross bilang motibo sa pagpatay, ayon pa rin sa report.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.