Negosyanteng sangkot sa illegal wildlife trading, arestado sa Palawan

0
267

TAYTAY, Palawan. Isang negosyante na sangkot umano sa mga illegal na aktibidad sa pagtangkilik ng wildlife ang inaresto matapos mahuli sa isang checkpoint sa Barangay Poblacion, sa lalawigang ito.

Hindi na pumalag si Dayuha Albert, 55 anyos at residente ng Sitio Ipil, Barangay Bato, nang siya ay arestuhin sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Special Operation Unit-Maritime Group at Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa Sitio Mangao sa Barangay Poblacion, ayon kay retired Major Gen. Gilbert Cruz, executive director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.

Ayon kay Cruz, ang SOU-MG sa pamumuno ni Lt.Col Charles Enrile, commander ng 2nd SOU-MG, ay nakatanggap ng mahalagang impormasyon mula sa mga residente ng Barangay Poblacion na si Albert ay may bitbit na mga ilegal na species ng wildlife.

“Agad na naglatag ng checkpoint at block force ang pwersa ng gobyerno para bantayan ang posibleng paglabas at pagpasok ng negosyante, na nagresulta sa pag-aresto kay Albert,” sabi ni Cruz.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang balicon trampoline na humigit-kumulang na limang kilo na nagkakahalaga ng P4,000 at isang kulay asul at berdeng tricycle na ginamit sa kanyang operasyon.

Ang negosyante ay kinasuhan ng paglabag sa illegal wildlife trading at transporting of wildlife ng R.A. 9147 na kilala bilang Wildlife Resources Conservation and Protection Act sa Provincial Prosecutor’s Office.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo