Negosyo 101 Seminar at BMBE Registration Caravan itinaguyod ng DTI Laguna

0
317

Los Baños, Laguna. Nagsagawa ng seminar ang Department of Trade and Industry Laguna sa pamamagitan ng Negosyo Center Los Baños para sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program sa Barangay Bagong Silang, bayang ito kamakailan.

Layunin ng isinagawang seminar na sinusportahan ng Los Baños Municipal Social Welfare and Development Office na mapataas ang pagiging mapagkumpitensya ng MSME. Dinaluhan ito ng 36 na micro entrepreneurs mula sa nabanggit na barangay.

sa pakikipagtulungan sa Los Baños Municipal Social Welfare and Development

Nagsagawa ng seminar ang opisina para sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program sa Barangay Bagong Silang, Los Baños,Laguna noong Mayo 20, 2022 upang mapataas ang  competitiveness ng MSME. Ang seminar

ay dinaluhan ng 36 na micro entrepreneurs mula sa barangay.

Kasama sa seminar ang pinaghalong mga lecture at forum sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga kalahok.

Ang mga talakayan ay umiikot sa iba’t ibang bahagi ng negosyo at sa mga praktikal na tuntunin at mga tool sa pagpapabuti ng negosyo.

Sa huling bahagi ng seminar, dalawampung enterprise ang nag-avail ng Barangay Micro Business Enterprise program

at pito ang natukoy na benepisyaryo ng Kabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Livelihood Kit na nagrehistro ng kanilang business name.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.