Nene, ginahasa at pinatay ng sariling ama

0
655

Taytay, Rizal.  Isang 36 anyos na ama ang muling dinakip matapos makalaya sa piitan dalawang buwan pa lang ang nakakaraan pagkaraang umamin na siya ang gumahasa at pumatay sa 8 anyos niyang anak na babae.

Ang suspek ay kinilala ng mga pulis na si Romeo Garcia na residente ng Sitio. Tibagan, Barangay Dolores, sa nabanggit na bayan. Si Garcia, ayon sa record ng pulis ay lumaya noong buwan ng Nobyembre sa kasong paglabag sa anti-illegal drugs..

Batay sa paunang imbestigasyon, nawala ang biktima noong Linggo at nakita ang bangkay nito sa isang kanal sa tapat ng kanilang bahay noong nakaraang Huwebes. 

Ayon sa pahayag ni Rose Ann Garcia, kapatid ng suspek na siyang nag-aalaga sa biktima habang ang ina nito ay nagtatrabaho bilang OFW, nagpaalam sa kanya ang bata noong Linggo na uuwi at doon muna matutulog sa kanila kasama ang Ama nito. Nagtaka ang tiyahin sapagkat hindi na bumalik ang bata kinabukasan upang sagutan ang module nito kung kaya’t pinuntahan niya ito sa bahay ng ama ngunit wala doon ang bata. 

Ayon sa report, ang suspek ay umamin kay Taytay Police Women and Children Protection Desk chief PLt. Gremalyn Bernardo na “inutusan niya na maligo ang anak ay sinundan sa banyo kung saan ay ginahasa at pinatay niya ito.”

Aksidenteng natagpuan ang bangkay ng biktima ng mga batang naglalaro limang araw matapos ipa-blotter na nawawala.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.