Nene na inutusang bumili ng kape natagpuang patay at walang saplot

0
246

LUCENA CITY, Quezon. Naganap ang isang malagim na krimen sa lungsod na ito matapos matagpuan ang bangkay ng walong taong-gulang na babae na hubad, nakatali at may busal sa bibig sa isang bakanteng lote, kahapon ng tanghali.

Ayon sa mga unang imbestigasyon, isang basurero angnakakita sa katawan ng biktima sa Brgy. Gulang-Gulang, Lucena City.

Natagpuan ang biktima na walang saplot, may busal sa bibig at ang mga kamay nito ay nakatali.

Batay sa salaysay ng ama ng biktima, galing sila sa Unisan, Quezon at nagpunta sa Lucena upang mamiyesta. Martes ng gabi, nagpasya silang matulog sa bangketa.

Inutusan ng ama ang kanyang anak na bumili ng kape, ngunit hindi na ito nagbalik, kaya’t nagsimula na niyang hanapin ang biktima.

Naniniwala ang Lucena City Police na ang biktima ay ginahasa saka pinatay.

Ang mga awtoridad ay kasalukuyang nagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek at panagutin sila sa ginawang krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.