Isinailalim sa preventive suspension si National Food Authority (NFA) Administrator Roderico Bioco at 138 iba pang mga opisyal at empleyado dahil sa hinihinalang kaugnayan nila sa bentahan ng rice buffer stock.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension na ipatutupad sa loob ng anim na buwan.
Sinabi ni Tiu Laurel na siya na muna ang magti-take over sa liderato ng NFA.
Bukod kay Bioco, kabilang sa mga opisyal ng NFA na pinatawan ng suspensyon sina NFA Assistant Administrator for Operations John Robert Hermano at iba pang regional managers at warehouse supervisors sa buong bansa.
“Kinokondena at hindi palalampasin ang anumang uri ng korapsyon. Kaisa ako ng Ombudsman sa layunin nitong alamin ang katotohanan at parusahan ang dapat maparusahan,” sabi ni Tiu Laurel.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.