Ni-lock sa plastic case ng tindahan sa NYC ang display ng Spam gitna ng pagtaas ng krimen

0
831

Ang dalawang dagok ng inflation at tumataas na kriminalidad ay naging sanhi ng hindi bababa sa isang tindahan ng New York City na nag-lock ng display ng Spam sa isang plastic case.

Ang mga mamimili, empleyado ng tindahan, at mga gumagamit ng social media ay nagpahayag ng hindi makapaniwala matapos matuklasan ang $3.99 na de-latang produktong karne ay hindi mahahawakan dahil nakasusi sa Duane Reade sa loob ng depot ng bus ng Port Authority ng New York City, ayon sa report ng New York Post.

Tumawa ang isang cashier habang tinatanggal ang Spam sa plastic na anti-theft cover nito.

Ayon kay Jenny Kenny, isang 43-taong-gulang na taga Kentucky, alam niya ang tungkol sa pagtaas ng krimen sa lungsod ngunit hindi pa rin siya makapaniwala na “napakaraming” mga item ang nakalagay sa anti-theft cover bilang display na lamang.

Nagtataka ang ibang mga mamimili kung bakit ang $1.89 na Spam ay kasama ng Starkist tuna, na nakalagay sa nakasusing kahon habang ang mas mahal na mga produkto tulad ng $5.49 na lata na Amy’s Soup ay hindi.

“Ang ilagay ang Spam sa isang hawla ay kahangalan – at isang uri ng pang-iinsulto sa mga customer na bibili nito,” ayon sa 46-taong-gulang na mamimili na si Dennis Snow.

Ang krimen sa New York City ay tumaas ngayong taon sa anim sa pitong kategorya at iniulat ng New York Post na ang mga reklamo sa petty larceny ay tumaas ng 52% samga presinto kung saan matatagpuan ang Port Authority kumpara noong nakaraang taon. (Fox News)

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.