Nicolas Torre, itinalaga bilang bagong PNP Chief

0
97

MAYNILA. Pormal nang hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Police Major General Nicolas Torre III bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Papalitan ni Torre si outgoing PNP chief Police General Rommel Francisco Marbil, na nakatakdang magretiro sa unang linggo ng Hunyo.

Bago ito, si Torre ang namuno sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Pinangunahan din niya ang operasyon para arestuhin si dating pangulong Rodrigo Duterte noong Marso dahil sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court.

Bago naman italaga si Torre bilang CIDG chief, naging hepe siya ng Davao Region police, na nanguna sa operasyon laban kay pastor Apollo Quiboloy noong nakaraang taon.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, limang pangalan ang kinonsidera ni Pangulong Marcos para sa PNP chief, ngunit hindi na ibinunyag ang iba pang pinagpilian. Sinabi rin ni Bersamin na confidential ang mga appointment sa mga opisyal ng PNP at hindi niya masasabi kung ang pagkaka-aresto kay Duterte ang naging dahilan ng pagtatalaga kay Torre.

Tiniyak ni Bersamin na performance lang ang tanging basehan ni Pangulong Marcos sa mga itinalagang opisyal ng gobyerno.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.