Maynila. Napatay ang isang Nigerian national sa isang buy-bust operation sa Quezon City kung saan ay nakumpiska ang PHP13.6 milyon halaga ng shabu, ayon sa report ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) kahapon.
Batay sa ulat ng Special Operations Unit ng DEG, kinilala ang suspek na si Ejiofor Smart, na namatay sa operasyon dakong alas-11:10 ng gabi sa Batasan-San Mateo Road sa Barangay Batasan Hills, ayon sa ulat ni DEG chief Brig. Gen Randy Peralta.
Napatay si Smart matapos niyang makipagbarilan sa mga umaarestong opisyal, na nag-udyok sa mga ito upang gumanti.
Narekober mula sa suspek ang dalawang kilo ng shabu, boodle money, wallet na may sari-saring ID, at isang kalibre .45 pistol na may kasamang isang magazine.
Sa inisyal na ulat, lumabas ang mga suspek na may dalawang pangkat na kinilala sa kanilang mga alyas na “KC Bamba” at “Oga Aboy”, na tumakas sa operasyon.
Kilalang drug dealer ang suspek sa Metro Manila at iba pang kalapit na probinsya. Ang kanyang grupo, ayon sa pulisya, ay naghahatid ng mga iligal na droga sa pamamagitan ng paglalagay nito sa loob ng mga kahon ng powdered milk na may halong sari-saring grocery items.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.