Nilagdaan ni Biden bilang batas ang bipartisan gun safety bill: ‘God willing, it’s going to save a lot of lives’

0
183

Nilagdaan ni US President Joe Biden noong Sabado bilang batas ang pinakamahalagang regulasyon sa pagkontrol ng baril sa loob ng mga dekada.

Ang batas, na naghihigpit sa mga pagbili ng baril at nagbibigay-daan para sa mga inspeksyon laban sa mga iligal na armas sa layuning pigilan ang gun violence, ay nagkabisa pagkatapos ng aprubahan ito ni Biden.

“God willing, it’s going to save a lot of lives” ayon kay Biden hinggil sa batas na nilagdaan niya isang araw pagkatapos itong linawin sa Kongreso bilang isang bipartisan bill.

Inaprubahan ng mga senador ang panukalang batas noong Huwebes ng gabi na may boto na 65-33, na sinundan ng Kamara noong Biyernes.

Dumating ito isang buwan pagkatapos ng pamamaril sa paaralan sa Uvalde, Texas, na ikinasawi ng 19 na estudyante at dalawang guro.

Ang panukalang batas ay pumasa sa House floor 234-193 habang 14 na Republican ang bumoto kasama ang lahat ng mga Democrat na pumabor

Bagama’t hindi tinatalakay ng panukalang batas ang marami sa mga panukalang itinulak ng House Democrats at ni Biden, gaya ng pagtaas ng edad para bumili ng baril, pagbabawal ng mga assault weapons, at pagpapalawak ng universal background checks, ito ay nagtatatag ng gun policy achievement sa pagitan ng mga Republican at Democrats na hindi naganap sa halos 30 taon.

Ang panukalang batas ay nananawagan pa rin ng pinalawak na background check, na kinabibilangan ng juvenile at mental health records upang maging bahagi ng federal background checks para sa mga bumibili ng baril na may edad 18 hanggang 20.

Isinasara din nito ang tinatawag na “boyfriend loophole” kung saan ang mga napatunayang nagkasala sa domestic violence law ay hindipapayagang bumili ng baril kung nakagawa sila ng marahas na krimen laban sa kanilang mga asawa.

Palalakasin din ng panukala ang mga batas na “red flag” na tumutulong sa mga awtoridad na makakuha ng mga utos ng hukuman upang pansamantalang samsaman ng mga baril ang mga taong itinuturing na mapanganib.

Sa batas na ito, gumawa ang Kongreso ng US ng unang regulasyon sa pagkontrol ng baril sa unang pagkakataon sa nakalipas na 30 taon.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.