Nilalaban ng China ngayon ang sabay sabay na outbreak ng stealth Omicron

0
176

TAIPEI, Taiwan. Pinagbawalan ng China ang mga tao na lumabas sa isang northeastern province na lalawigan na tinamaan ng coronavirus at kaugnay nito ay pinakilos ang mga reservist ng militar noong Lunes dahil sa mabilis na pagkalat ng “stealth omicron” variant.  Ito ang  pinakamalaking muling pagsiklab ng virus sa nabanggit na bansa mula noong simula ng pandemya dalawang taon na ang nakakaraan.

Ang National Health Commission ay nag-ulat ng 1,337 locally transmitted cases sa pinakahuling 24 na oras, kabilang ang 895 sa industrial province na Jilin. Sa isang paunawa ng gobyerno, sinasabi na ang pahintulot ng pulisya ay kinakailangan para sa mga tao na aalis sa lugar o maglakbay mula sa isang lungsod patungo sa isa pa.

Nagpadala ng 7,000 reservist ang hard-hit na probinsya para tumulong sa pagtugon, mula sa pagpapanatili ng kaayusan at pagrehistro ng mga tao sa mga testing center hanggang sa paggamit ng mga drone para magsagawa ng aerial spraying at disinfection, ayon sa state broadcaster CCTV.

Daan-daang mga kaso ang naiulat sa ibang mga lalawigan at lungsod sa east coast at inland  ng China. Sa Beijing, kung saan ay mayroong anim na kaso, at Shanghai, na may 41, ay nagsara ng mga gusali, tirahan at opisina kung saan natagpuan ang mga nahawahang tao.

Bagama’t maliit ang bilang ng mainland China kumpara sa maraming iba pang mga bansa, at maging ang semi-autonomous na lungsod ng Hong Kong, sila ang pinakamataas mula noong libu-libo ang pinatay ng COVID-19 sa gitnang lungsod ng Wuhan noong unang bahagi ng 2020. Walang naiulat na pagkamatay sa pinakabagong paglaganap.

Ang Hong Kong noong Lunes ay nag-ulat ng 26,908 bagong kaso at 249 na pagkamatay sa pinakahuling 24-oras na nagdaan.

Ayon sa lider ng ng lungsod na si Carrie Lam, hindi hihigpitan pandemic restrictions sa ngayon. “I have to consider whether the public, whether the people would accept further measures,” ayon sa kanya sa isang press briefing.

Samantala, nakikita ang mataas na record ng pag alis ng mga residente sa Hong Kong habang ang siyudad ay inaatake ng Covid outbreak na hindi pa natutugunan ng mahusay  ng gobyerno.

Sa nakalipas na tatlong linggo, nasa kabuuang 20,000 na residente ang umaalis kada linggo, ang pinakamataas na bilang sa mahigit na dalawang taon, ayon sa mga opisyal ng immigration ng lungsod.  pag-alis ng mahigit 20,000 residente bawat linggo, ang pinakamataas na antas sa mahigit dalawang taon, ayon sa mga numero mula sa mga awtoridad sa imigrasyon ng lungsod at pinagsama-sama ni David Webb, isang mamumuhunan na nakabase sa Hong Kong. Ang kamakailang exodus ay sanhi ng “unpredictable, opaque, and poorly communicated public health policy making process.”

Photo credits: Reuters
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.