Niyanig ng magnitude 6.1 lindol ang Batangas

0
374

Niyanig ng lindol na may preliminary magnitude 6.1 ang bahagi ng Batangas kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig dakong 5:50 ng umaga sa layong 21 kilometro sa kanluran ng bayan ng Calatagan at may lalim na 132 km.

Naramdaman ang Intensity IV sa Calatagan, Batangas; Intensity III sa Quezon City, Pasay City, Pasig City, Tagaytay City, Mendez, Amadeo at Alfonso sa Cavite at Obando, Bulacan; at Intensity II sa Abucay, Bataan; Gapan City, Nueva Ecija; Castillejos, Zambales; Mandaluyong City; Lungsod ng Maynila, Lungsod ng Makati at Tanay, Rizal.

Ang mga sumusunod na instrumental Intensity ay iniulat din:

Intensity IV- Puerto Galera, Oriental Mindoro

Intensity III- Plaridel, San Ildefonso at Malolos City, Bulacan; Guagua, Pampanga;

Tagaytay City; Calapan City, Oriental Mindoro; Batangas City; Olongapo City, Zambales; Gumaca, Quezon

Intensity II – Talisay, Batangas; Mauban at Dolores, Quezon ; Roxas at San Jose, Occidental Mindoro; Lungsod ng Muntinlupa; Gapan City; Nueva Ecija; Pandi at Marilao, Bulacan; Mulanay, Quezon; Las Piñas City; Lungsod ng Marikina; Malabon City; Lungsod ng Cabanatuan

Intensity I sa Los Baños, Laguna; Iba, Zambales; Pasig City; Quezon City; Tayabas, Polillo, Lopez, San Francisco at Lucban, Quezon; Baler, Aurora.

Inaasahan ang pinsala at aftershocks, ayon Phivolcs.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.