Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Occidental Mindoro

0
378

Niyanig ng isang magnitude 6.4 na lindol ang baybayin ng Occidental Mindoro kaninang umaga, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang tectonic na lindol na may lalim na 28 kilometro ay tumama sa layong 110 kilometro hilagang-kanluran ng munisipalidad ng Lubang kaninang 5:05 a.m.

Intensity IV ang naramdaman sa Lubang, Occidental Mindoro; Intensity III sa Nasugbu, Batangas; Tagaytay City, Amadeo, Maragondon, Mendez, at Alfonso Cavite; Quezon City; Taguig City; Mandaluyong City; Makati City; Navotas City; Pasig City; Plaridel, Bulacan.

Intensity II ang naiulat sa Talisay, Batangas; Palauig, San Felipe, at Castillejos, Zambales; Malabon City; at intensity I sa Parañaque City.

Naitala ng Phivolcs ang mga sumusunod na instrumental intensity:

Intensity III – Calumpit, Bulacan; Guagua, Pampanga; Lungsod ng Olongapo; Carmona, at Lungsod ng Tagaytay, Cavite; Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro; Lungsod ng Navotas

Intensity II – Lungsod ng Las Piñas; Lungsod ng Marikina; Lungsod ng Muntinlupa; Quezon City; Lungsod ng Pasig; Baler, Aurora; Lungsod ng Malolos, Marilao, Pandi, Plaridel, San Ildefonso, at San Rafael, Bulacan; Lungsod ng Gapan, at Lungsod ng Palayan, Nueva Ecija; Iba,Zambales; Batangas City, at Talisay, Batangas; Dolores, at Gumaca, Quezon; Puerto Galera, Oriental Mindoro

Intensity I – Lungsod ng Parañaque; Pateros; Lungsod ng Dagupan; Doña Remedios Trinidad, Bulacan; Lungsod ng Cabanatuan, at Lungsod ng San Jose, Nueva Ecija; Magalang, Pampanga; Lungsod ng Tarlac, Tarlac; Los Baños, Laguna; Infanta, Lucban, Mauban, Mulanay, at Polillo, Quezon; San Jose, Occidental Mindoro; Roxas, Oriental Mindoro; Lungsod ng Puerto Princesa; Lungsod ng San Juan

Bagama’t posibleng magkaroon ng aftershocks, hindi inaasahan ng Phivolcs ang pinsala ng lindol.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo