No.1 Most Wanted na rapist sa Calabarzon, nasakote ng Laguna PNP

0
445

Sta. Cruz, Laguna. Dalawang Most Wanted Person (MWP) ang nasakote ng Laguna PNP kabilang ang isang akusadong rapist na matagal ng pinaghahanap ng batas, ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, Police Colonel Cecilio R Ison Jr. kay Calabarzon Regional Director, Police Brigadier General Antonio C. Yarra.

Sa joint operation ng Calauan MPS kahapon, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Philip Toquero Aguilar, Officer in Charge, Provincial Intelligence Unit (PIU) Laguna PPO, PIDMU Laguna PPO at Regional Highway Patrol Unit-NCR inaresto si Ryan Castillo, 41 anyos na residente ng Brgy Sto Tomas, Calauan, Laguna na may kasong five counts ng rape. Ang dinakip ay rank 1 sa listahan ng MWP sa Calabarzon.

Sa isa pang bukod na operasyon ng Siniloan MPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Silver Suson Cabanillas, inaresto ng Chief of Police at Regional Intelligence Division Regional Special Operation Unit Laguna si Lorenda Allen Nollora, 56 anyos at residente ng Brgy. Salubungan, Siniloan, Laguna sa kasong paglabag sa Sec 10 (a) of R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Ang akusado ay Rank 8 sa listahan ng MWP sa Calabarzon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating unit ang mga nadakip habang inaabisuhan ang mga korte sa pagka aresto sa kanila. 

“Ang operasyon ng Laguna PNP laban sa mga most wanted na personalidad ay pinaigting sa tulong at suporta ng ating komunidad para sa pagkakadakip at ng mabigyan ng hustisya kanilang mga mga biktima,”  ayon kay Ison.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.