No. 1 Most Wanted Person ng CALABARZON inaresto ng CIDG

0
434

Candelaria, Quezon.  Arestado ang No. 1 Regional Most Wanted Person ng CALABARZON sa inilunsad na manhunt operation ng mga operatiba ng CIDG Quezon kamakailan sa bayang ito.

Ang akusado na kinilalang si Ronel Dimaunahan, 41 anyos ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa tatlong (3) counts ng RAPE na may CC Nos. 2009-179 to 181 na inisyu ni Hon. Patricia Angeles Cataquiz-Fidel, ang Presiding Judge ng Family Court Branch 16, Sariaya Quezon na may petsang Hunyo 3, 2022 na piyansang inirerekomenda.

Ang impormasyon na ibinigay ng korte ay nagsiwalat na ang nasabing insidente ay nangyari noong 2009 kung saan ang biktima ay 15 anyos pa lamag noong mga panahong iyon.

Kaugnay ng kaso, ang dalawa ay nasa isang romantikong relasyon ng akitin ni Dimaunahan ang biktima na sumama sa kanya sa bahay ng kanyang kapatid sa Candelaria Quezon at isinagawa ang 1st carnal act na naganap laban sa kalooban ng biktima.

Gayunpaman, sinamantala ng suspek ang kahinaan ng at sa pamamagitan ng pang-aakit at matatamis na pangako ay naulit pa ng dalawang beses ang nabanggit na pakikipagtalik.

Matapos ang mahigit isang dekada ng pagtatago, sa wakas ay nailagay sa likod ng mga rehas ang suspek at mabibigyang hustisya ang masaklap na karanasan ng biktima.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.