“No jab, no job” policy, ipatutupad ng IATF-MEID: Mandatory na ang bakuna sa mga empleyado sa public at private sector mula Disyembre 1, 2021

0
236

Mandatory na ang bakuna sa lahat ng empleyado sa pribado at pampublikong sektor mula sa Disyembre 1, 2021, ayon sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sang ayon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito, ang lahat ng empleyado na hindi pa nabakunahan ay pormal na pinapayuhan na hindi makakapasok sa trabaho maliban kung magbibigay ng patunay na nabakunahan na. Ang mga walang bakuna ay hindi papayagang pumasok sa trabaho o pumasok sa loob ng tanggapan simula sa nabanggit na petsa. Makakabalik lamang sa trabaho kapag nagpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR. Ngunit kung mananatiling hindi nabakunahan ay kakailanganin magsumite ng negatibong resulta ng RT-PCR tuwing dalawang (2) linggo. Kung hindi matugunan ang requirement na  ito ay hindi na muling papayagang pumasok sa trabaho, ayon sa resolusyon ng IATF-MEID.

Ang mga empleyado na nabigyan ng first dose ngunit ang iskedyul ng second dose ay nakalampas na ay kailangan ding magsumite ng negatibong resulta ng RT-PCR test tuwing ikalawang linggo hanggang sa maging fully vaccinated. 

Awtomatikong sisingilin sa natitirang sick leave credits ang pagliban sa trabaho dahil sa hindi pagpapakita ng patunay ng bakuna o negatibong resulta ng RT-PCR test. Sakaling wala ng sick leave, maaaring ibawas ito sa natitirang vacation leave. Kung wala ng SL o VL, maaarng ipapatupad ang “no work, no pay” policy.

Kaugnay nito, upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga hindi pa nababakunahan na makakuha ng negatibong resulta ng RT-PCR test, ang sapilitang pagsusumite nito ay ipatutupad mula Disyembre 4, 2021.

Sa simpleng paliwanag ng direktiba, lahat ng hindi pa bakunadong empleyado at mga hindi fully vaccinated ay hindi papayagang pumasok mula sa Disyembre 4, 2021, ayon pa rin sa IATF-MEID.

Para sa karagdagang detalye, bumisita sa doh.gov.ph/COVID-19/IATF-Resolutions at basahin ang IATF Resolutions 148-B at 149 na nag uutos ng full vaccination sa lahat ng empleyado.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.