“No vax, no labas” policy ipaiiral na sa buong bansa

0
402

Inirerekomenda ng mga opisyal kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag payagang umalis ang mga hindi nabakunahan na indibidwal sa kanilang mga tirahan, maliban sa mga mahahalagang aktibidad, sa ilalim ng patakarang “no vax, no labas” na naunang pinagtibay ng National Capital Region (NCR).

Sa Talk to the People ni Duterte noong Martes ng gabi, sinabi ni Presidential Adviser for Covid-19 Response Vivencio Dizon na isinulong niya, kasama sina Health Secretary Francisco Duque III at National Task Force Against Covid-19 (NTF) chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ang pagpapatibay ng patakarang ito sa buong bansa sa gitna ng pagtaas ng sakit na coronavirus 2019 (Covid-19)

“We are recommending that this policy in (the) NCR also be adopted by the entire country, even in areas that have not yet experienced the surge because we know it is really just a matter of time that this Omicron has spread throughout the country,” ayon kay Dizon.

Idinagdag niya na marami ng bansa, partikular na ang mga nasa Europa ang naghigpit na sa mobility ng mga hindi nabakunahan.

“This is really the situation today in different countries, not just us, that the unvaccinated are really the ones that are being hit badly by the new variants and they are the ones causing the health care systems to be congested. And because of that, they pose the greatest risk,” ayon pa rin kay Dizon.

Nauna rito, pinuri ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at ng pribadong sektor ang “bold move” ng mga mayor sa Metro Manila na limitahan ang mobility ng mga hindi pa nabakunahan habang tumataas ang mga kaso ng Covid-19 kasunod ng holiday kasabay ng pagpasok ng Omicron variant sa bansa.

Sa pulong ng Go Negosyo Townhall noong Miyerkules, sinabi ni Duque na ang Delta ay nananatiling dominanteng variant sa mga positibong kaso dito.

Kasabay nito ay hinimok din ng mga opisyal ang mga Pilipinong hindi pa nababakunahan na kumuha na ng Covid-19 jabs, at ang mga fully vaccinated na na magpa-booster shot na.

Target pa rin ng NTF na ganap na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino sa unang bahagi ng Marso.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo