Nobya pinatay ng nobyo dahil sa selos

0
459

Biñan City, Laguna. Dead on arrival sa pagamutan ang isang estudyante matapos pagsasaksakin ng kanyang nobyo sa Brgy. Langkiwa, sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang 14 anyos na pinsan ng biktima na nadamay sa pagwawala ng suspect.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Joyce Ann Flores 18 anyos, college student at ang high school student na pinsan nito.

Kinilala ni PLt.Col. Virgilio M.Jopia, chief of police ng Biñan City Police Station ang suspek na si John Dave Bernabe, 21 anyos na binata at residente ng Poblacion sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay, Jopia, tatlong buwan na ang relasyon ng dalawa subalit nagdesisyon na makipag break si Flores  dahil sa pagiging seloso ng nobyo.

Hindi nagustuhan ni Bernabe ang pakikipaghiwalay ng nobya kung kaya’t pinasok nito noong Martes ng madaling araw ang bahay na tinutuluyan ng mga biktima at pinagsasaksak ang magpinsan.

Naitakbo pa sa ospital ang dalawang biktima subalit binawian din ng buhay si Flores. Nagpapagaling naman sa mga sugat ang pinsan nito.

Samantala, nahuli sa isang hot pursuit operation si Bernabe sa Paranaque City.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.