Nominee ng Bumbero partylist, patay sa pamamaril sa Maynila

0
47

MAYNILA. Patay ang isang nominee ng Bumbero Partylist matapos tambangan at pagbabarilin sa Sampaloc, Maynila nitong hapon ng Lunes, Abril 28, dalawang linggo bago ang nakatakdang national at local elections.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang biktima na si Leninsky Bacud, dating chairman at ikalawang nominado ng Bumbero Partylist.

Batay sa paunang ulat, naganap ang pamamaril sa P. Guevarra Street, Barangay 435, Zone 44, Sampaloc. Ayon sa imbestigasyon ng MPD sa pamumuno ni District Director Police Brigadier General Benigno Guzman, nakita umano ng mga saksi na nakasakay sa motorsiklo ang mga suspek nang isagawa ang pananambang.

Nakipagbarilan pa umano ang mga suspek sa mga rumespondeng pulis bago sila tumakas.

Tinamaan ng bala si Bacud sa itaas na bahagi ng dibdib at agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan. Sinikap siyang i-revive ng mga doktor ngunit, ayon sa pinakahuling impormasyon na natanggap ni Guzman, binawian na rin ng buhay ang biktima.

Bukod kay Bacud, ilang mga sasakyang nakaparada sa lugar ang napinsala matapos tamaan ng mga ligaw na bala sa gitna ng putukan.

Nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya. Kasalukuyang kinakalap ang mga kuha sa CCTV sa lugar at nagsasagawa ng backtracking upang matukoy ang mga salarin.

Ayon kay MPD spokesperson Major Philipp Ines, “naglunsad na ng ‘hot pursuit’ laban sa mga suspek.”

Isang nominee ng Bumbero Partylist na si Leninsky Bacud ang nasawi matapos tambangan at pagbabarilin sa Sampaloc, Maynila, dalawang linggo bago ang halalan. Patuloy ang imbestigasyon ng MPD habang isinasagawa ang hot pursuit laban sa mga suspek.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.