Nora Aunor, 7 iba pa kinilalang mga National Artists for 2022

0
507

Binigyan ng Malacañang ng mataas na pagkilala sa Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas ang walong natatanging indibidwal, kabilang ang maalamat na aktres na si Nora Aunor at screenwriter na si Ricky Lee.

Idineklara ring National Artists para sa 2022 ang yumaong direktor ng pelikula na si Marilou Diaz-Abaya, ang yumaong direktor na si Tony Mabesa, ang yumaong fashion designer na si Salvacion Lim-Higgins, ang dance choreographer na si Agnes Locsin, ang makata na si Gémino Abad, at ang musikero na si Fides Cuyugan-Asensio.

Ginawa ng Palasyo ang deklarasyon sa pinagsamang rekomendasyon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Cultural Center of the Philippines sa Presidential Proclamation No. 1390.

Ang titulo ng Pambansang Alagad ng Sining ay ang pinakamataas na pagkilala na ipinagkakaloob sa mga Pilipinong may natatanging kontribusyon sa pagpapaunlad ng sining at kultura ng Pilipinas.

Ayon sa NCCA, bukod sa citation ay bibigyan ng medalyon, cash award na P100,000.00 (net of taxes) ang isang newly-conferred living National Artist, monthly life pension, life insurance coverage, place of honor sa anumang mga tungkulin ng estado, mga pambansang seremonya ng paggunita, at mga kaganapang pangkultura na kanilang dinadaluhan, at bibigyan sila ng mga kaayusan at gastos para sa isang libing ng estado, na ililibing sa Libingan ng mga Bayani.

Bibigyan ng citation at medalyon ang posthumously-conferred National Artists. Ang P75,000 na cash ay ibibigay sa pinakamalapit na kaanak o kinatawan ng awardees na itinalaga ng pamilya.

Ang huling batch ng National Artists ay inihayag noong 2018, na binubuo ng musical composer na si Ryan Cayabyab, film director Kidlat Tahimik, author Resil Mojares, the late visual artist Larry Alcala, the late playwright Amelia Lapeña-Bonifacio, the late Hiligaynon writer Ramon Muzones, at ang yumaong arkitekto na si Bobby Mañosa.

Kasama ang mga bagong iproklama, 86 na national artists.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.