CALATAGAN, Batangas. Nalunod at namatay ang isang Norwegian tourist matapos abutan ng malalaking alon habang naglalangoy sa dagat sa isang seaside resort sa Brgy. Sta. Ana sa bayang ito kamakalawa.
Kinilala ni Major Emil Mendoza, hepe ng Calatagan Municipal Police Station ang biktima na si Gorgan Hagesater, 42 anyos na residente ng Brgy. Santolan, Pasig City.
Ayon sa report, namasyal si Hagesater kasama ang isa pang Norwegian na si Christian Atle Hansen, 43 anyos, at naligo sa dagat at noong may 200 metro na ang layo nila sa pampang ay tinangay sila ng malalaking na alon at dinala sa kalaliman ng dagat.
Ayon sa salaysay ni Hansen, nakakapit lamang siya sa salbabida kaya at siya nakaligtas ngunit ayon sa kanya, si Hagesater ay nilamon ng mga alon na naging sanhi ng na kanyang pagkamatay.
Kaugnay nito, nawawala din at kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga rescuers ang local tourist guide na kasama ng mga norwegian tourists.
Sa bukod na report, iniulat ng Rizal Police Provincial Office na nalunod at nasawi sina Adelfa Escolano, 71 anyos, ng Sitio Ampucao, Brgy. Iglesia, Cardona, Rizal at Delisa Largo, ng Brgy. Santiago, Baras, Rizal.
Ayon sa ulat ng Cardona Municipal Police Station, 7:45 ng gabi ng Hulyo 24 nang malunod si Escolano habang natutulog sa loob ng kanilang tahanan at magkaroon ng flash floods sa kanilang lugar bunsod ng bagyong Egay.
Nadiskubre ang bangaky ni Escolano 11:00 ng umaga na kamakalawa sa palayan, malapit sa sapa sa Brgy. San Roque, Cardona.
Samantala, 4:30 ng hapon kamakalawa nang malunod si Largo habang nangunguha ng kangkong sa Laguna Lake, Kasarinlan Eco Park (Bang Gandang Baras Park) Brgy. Santiago, Baras, Rizal.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.