NPC, nagsibak ng miyembro dahil sa matinding paglabag sa media ethics

0
237

Hatchet job ng mga tiwaling media laban kay Yulde at sa mga Lambino, nabulgar

Nag-anunsyo kahapon ang National Press Club of the Philippines (NPC), ang pinakamalaking organisasyon sa bansa ng mga aktibong miyembro ng media, na patatalsikin sa listahan ng mga miyembro nito, nang walang anumang posibilidad na maibalik, si Jaime Aquino, dating provincial correspondent sa Pangasinan ng Manila Times.

Sa joint press conference sa gusali ng NPC, kasama si Palace Undersecretary Joel Sy Egco, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), at abogadong si Freddie Villamor, sinabi ni NPC president Paul Gutierrez na si Aquino at ang kanyang grupo sa Pangasinan ay inakusahan ng pagmamanupaktura huwad na kaso ng panggagahasa na humantong sa pagkakakulong ng siyam na buwan sa Pangasinan sa kanyang kliyente na si Lopez, Quezon councilor Arkie Manuel Yulde.

Si Yulde, na isang kritiko ng isang politiko sa Quezon, ay ipinakulong batay sa isang kaso ng panggagahasa at kidnapping na inimbento ng grupo ni Aquino na ginamit din upang sirain ang kanyang pangalan at reputasyon sa media, na naging sanhi ng biglaang pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Kamakailan lamang ay pinalaya si Yulde matapos makapagpakita ng ebidensya si Villamor na peke ang mga kaso laban sa kanya, kasama na ang diumano ay biktima ng panggagahasa.

Sa unang bahagi ng taong ito, sinubukan din ni Aquino at ng kanyang grupo,ng kanyang live-in partner, at iba pang tiwaling miyembro ng press sa Pangasinan press, ay muling sumubok ng ganitong pakana laban kay Cagayan Export Zone Authority (CEZA) administrator at Northern Luzon presidential adviser, Secretary Raul Lambino at ang kanyang asawang si Mangaldan mayor Marilyn Lambino.

Si Lambino ay inakusahan ng 10 kaso ng panggagahasa, child abuse at serious physical injuries habang ang kanyang asawa ay kinasuhan ng abuse of authority, grave misconduct, dishonesty, at oppression sa Office of the Ombudsman, na diumano ay isinampa ng dalawang dating katulong.

Ngunit lumabas sa imbestigasyon na ang mga akusasyon laban sa mga Lambino ay pawang gawa-gawa ni Aquino. Sinubukan din ni Aquino na magdagdag ng kredibilidad sa kanyang senaryo sa pamamagitan ng pag imbento ng isang Prof. Salvador de Guzman na diumano ay tagapangulo ng ‘Citizen Movement Against Crime, Corruption Illegal Drugs and Gambling, Inc.

Gayunpaman, napatunayan sa imbestigasyon na sina Aquino at de Guzman ay iisang tao at ang ‘citizen movement’ na sumuporta sa mga diumano ay biktima ng mga Lambino ay isang multong organisasyon.

“We don’t know what is worse—media groups inventing journalists as victims of violence so they can get funding from abroad or, members of the press concocting bogus charges against prominent personalities in exchange for money. We are now announcing the expulsion of Mr. Jaime Aquino from the roster of NPC members without any possibility of reinstatement,” dagdag pa ni Gutierrez.

Binigyan diin din ni Gutierrez ang panawagan ng NPC sa mga miyembro ng pamamahayag na mahigpit na sumunod sa kanilang Code of Ethics at huwag matuksong gumamit ng mga kriminal na pamamaraan upang kumita ng pera o payagan ang kanilang mga sarili na magamit para sa partisan political activities, lalo na ngayong panahon ng halalan.

Pinasalamatan din niya ang Manila Times sa agarang pagpapatalsik kay Aquino noong Enero 18, 2022, matapos maghinala sa mga kwentong inihain niya, lalo na ang hatchet job sa mag-asawang Lambino.

Si Aquino ang magiging ikaapat na miyembro ng NPC na opisyal na tinanggal sa organisasyon dahil sa matinding paglabag sa Journalist Code of Ethics at sa mga patakaran nito mula noong 2016.

Jaime Aquino, dating provincial correspondent ng Manila Times na sinibak ng National Press Club sa listahan ng miyembro.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.